Pananakot, ‘bugbugan’ ng pulis sa Dacera case respondents, pinabulaanan

Pananakot, ‘bugbugan’ ng pulis sa Dacera case respondents, pinabulaanan

January 14, 2021 @ 7:35 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Itinanggi ng hepe ng Makati City police na umano’y pagbibigay nila ng pressure sa respondents ng Christine Dacera case na sabihing mayroong ginamit na iligal na droga,  batay kay Metro Manila police chief Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

“Well, as per information coming from the chief of police ng Makati eh wala naman ganun nangyari,” saad ni Danao sa isang panayam.

Nauna ngang sinabi ng abogadong si Abigail Portugal, counsel nila JP de la Serna III at Rommel Galido na nanggaling ang naturang pahayag mula sa kapulisan ng Makati.

Samantala, kinwestyon naman ni Danao ang biglaang pagbawi ng respondents sa kanilang pahayag.

“Bakit ngayon biglang nagkaroon ng bugbugan,” punto ni Danao.

“Pero as far as the Makati City Police Station is concerned, per information coming from the chief of (city) police himself, there is no such thing as bugbugan, coercion or anything about drugs na kinoerce sa kanila na ibigay na salaysay.”

“Puwede silang file-an ng perjury kasi under oath iyon na sinabi nila,” paalala pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...