Pananambang kay Lanao del Sur Gov Adiong, kinondena ni House Speaker Romualdez

Pananambang kay Lanao del Sur Gov Adiong, kinondena ni House Speaker Romualdez

February 18, 2023 @ 2:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez nitong Sabado ang tangkang pagpatay kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr. sa bayan ng Maguing, na sanhi ng pagkamatay ng apat niyang security details at isa pa na sugatan.

“I strongly condemn this assassination attempt on Governor Adiong, which left four of his security details dead. This senseless act of violence has no place in a civilized society like ours,” giit ni Romualdez.

“I want the gunmen identified and whoever is the mastermind unmasked. I want them all to be placed behind bars and brought to the bar of justice as soon as possible,” dagdag ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) President at Leyte 1st district representative.

Dumaraan ang convoy ni Adiong sa pagitan ng Maguing at Amai Manabilang patungong Wao, isang bayan sa Lanao del Sur, nitong Biyernes nang maganap ang pananambang.

“I call on our law enforcement agencies: waste no time in running after the perpetrators of this dastardly crime. They need to restore peace and order in the province immediately,” apela niya.

Nakiramay naman ang House leader sa naiwang pamilya ng mga nasawi sa ambush at tiniyak na tutulungan sila.

“I grieve with the families of those who were killed and I pray for the safety and speedy recovery of our dear governor. We, in the Lakas-CMD, will extend all assistance necessary,” dadgag niya.

Si Adiong ang vice president ng Lakas-CMD para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Siya ang nakatatandang kapatid ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong. RNT/SA