Pananambang kay Vice Mayor Lubigan, kinondena ng Malakanyang

Pananambang kay Vice Mayor Lubigan, kinondena ng Malakanyang

July 7, 2018 @ 7:04 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Malakanyang ang nangyaring pananambang  kay  Trece Martires Vice Mayor Alex Lubigan kaninang alas- 3:00 ng hapon.

Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang Malakanyang sa nagdadalamhating pamilya at kaibigan ni Vice Mayor Lubigan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na inatasan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang liderato ng  Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng patas at malalimang imbestigasyon sa insidenteng ito.

“And spare no effort in getting to the bottom of this latest crime,” ayon kay Sec. Roque.

Ito na aniya ang panahon ng pagkakapit-bisig ng lahat para tuldukan ang nakababahalang insidente ng karahasan na ang sangkot ay pawang mga lokal na opisyal ng bansa.

Sa ulat, patay ang bise alkalde ng Trece Martires na si Vice Mayor Alex Lubigan na inatake sa harapan ng isang korean hospital sa Trece Martires.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya. (Kris Jose)