Pananambang sa radio reporter na si Joey Llana, kinondena ng Malakanyang

Pananambang sa radio reporter na si Joey Llana, kinondena ng Malakanyang

July 20, 2018 @ 12:47 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Kinondena ng Malakanyang ang ginawang pananambang sa isang radio broadcaster sa labas ng kaniyang bahay sa Barangay Peñafrancia, Daraga, Albay kaninang  madaling araw.

Isa na namang paglabag sa karapatan na mabuhay at free press ang ginawang pagpatay sa radio reporter na si Joey Llana.

“We strongly condemn the killing of radio reporter Joey Llana in Daraga, Albay, as yet another infringement on the rights to life and a free press,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi nito na hindi titigil ang  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na tugisin ang nasa likod ng pananambang kay Lana.

Sa ulat, pasado alas-5:00 kaninang madaling araw  habang papasok na sa trabaho ang biktimang si  Llana sakay ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng mga suspek sa tapat mismo ng bahay nito.

Tama sa ulo ang tumapos sa buhay ng biktima na kilala bilang isa sa mga hard hitting commentator sa Albay sa programa nitong Metro Banat sa Zoom Radio Legazpi alas 5:30 hanggang alas 7:00 ng umaga.

Ayon sa kapatid nitong si Merwin Llana, walang naikwento sa kanila ang biktima na posibleng ikonekta sa insidente.

Kasalukuyan pang pinoproseso ng SOCO ang crime scene para sa nagpapatuloy na imbestigasyon. (Kris Jose)