Pananatili ng 2 Navy station sa Sangley Point pinanawagan ng solon

Pananatili ng 2 Navy station sa Sangley Point pinanawagan ng solon

September 16, 2020 @ 12:38 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan si Cagayan De Oro City Representative Rufus Rodriguez sa Department of National Defense (DND) na panatilihin ang dalawang istasyon ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite.

Ito ay upang mapanatili ang depensa ng bansa lalo pa sa bahagi ng Manila Bay.

Ang naturang panawagan ay sakop ng kanyang House Resolution 1199 kung saan hinikayat ang DND na huwag ilipat ang Naval Station Heracleo Alano at Naval Station Pascual Ledesma sa kabila ng ginagawa sa Sangley Point International Airport.

Saad ni Rodriguez, nagsisilbi itong headquarters ng Naval Installations Command.

 “Vice Admiral Bacordo further stated that the naval base in Sangley is guarding the entrance to Manila Bay, which is the center of gravity of the national government. If Manila Bay falls, the whole country falls,” giit pa ng mambabatas.

Naniniwala aniya si Bacordo na ang planong Sangley Airport at Naval base ay kayang mag-operate ng magkasama. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...