PANAWAGAN NG NPC KAY BBM

PANAWAGAN NG NPC KAY BBM

June 11, 2022 @ 9:41 PM 2 weeks ago


NAWA’Y mapakinggan ng bagong Administrasyong Marcos ang panawagan ng National Press Club (NPC) of the Philippines na ipagpatuloy nito ang pagsuporta paninilbihan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Naglabas ang NPC ng isang espeyal na resolusyon, sapagkat naniniwala sila na ang pagpapatuloy ng operasyon ng PTFoMS ay magpapatunay na pinalalakas ng bagong Administrasyong Marcos ang pangako nito sa media para sa malayang pamamahayag.

“As one of the national media organizations actively engaged as media-partner and stakeholder of the task force since its creation by President Duterte in 2016, we have seen how effective the task force has been in fulfilling its mandate of giving protection to the life, liberty and safety of all media workers,” ang nakasaad na pahayag ng NPC sa nasabing resolusyon.

Maging ang aking kaibigan at bagong halal na Pangulo ng NPC na si Lydia Bueno, ay nagsabi na ang pagpapanatili ng PTFoMS  sa ilalim ng Marcos Administration ay isang malakas na mensahe sa buong mundo, na ang pamahalaan ay pinahahalagahan ang malaya at responsableng pamamahayag sa bansa, na sinimulan pa ng Administrasyong Duterte.

Inihahayag din sa Special Resolution No. 1, Series of 2022, na binibigyang pansin ng NPC ang pagkakatatag ng PTFoMS ni Pangulong Duterte under Administrative Order No. 1 noong October 2016.

“Media workers, including Club members, have come to rely on the task force as their direct line to the Office of the President for prompt action of their needs as journalists,” ang sabi ni Pang. Bueno.

Dagdag pa niya, na kahit sa maliit na pondo, nakagagalaw ang task force para  tugunan nito ang tungkulin. Katunayan aniya, nakalilikom ito ng mga dokumentong nararapat sa bawat kaso ng karahasang nagagawa sa bawat miyembro ng sektor ng media.

Nagawa rin ng PTFoMS ang malaki nitong papel sa nagdaang May 9, 2022, elections, at ipinunto ni Bueno, na walang naganap ni isa mang marahas na pangyayari sa mga miyembro ng media, batay na rin sa tala ng Philippine National Police.

“The lack of media-related violence in the May 9 national and local elections is not only a testament to the success of the task force but it is also a first in the history of our elections and something that we should all be proud,” paliwanag ni Bueno.

At para lalong lumawig, iminungkahi ng NPC kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., na gawing Commission for Media Security (PCOMS) ang PTFoMs sa pamamagitan ng Executive Order upang mapalawak ang kakayahan nitong pangalagaan ang kapakanan ng media sector.

Naglabas din ng kahalintulad na resolusyon ang Publishers Association of the Phils Inc (PAPI) at sa pamamagitan ng Pangulo nitong si Nelson Santos, nanawagan din ang samahan na ikonsidera ni Pangulong Marcos ang pagpapanatili ng PTFoMs.

Maraming salamat sa inyo, mga utol.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!