Panawagan ni PBBM sa BTA: Magpasa ng mahalagang batas sa Bangsamoro

Panawagan ni PBBM sa BTA: Magpasa ng mahalagang batas sa Bangsamoro

September 15, 2022 @ 4:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bangsamoro Transition Authority (BTA) na magpasa ng mahalagang fiscal legislations at iba pang batas na naglalayong i-promote ang kapakanan ng mga Bangsamoro.

Nakiisa si Pangulong Marcos sa inaugural session ng BTA parliament na isinagawa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

Present naman sa nasabing event si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari, kasama ang iba pang key government officials.

Hinikayat ng Pangulo ang BTA na tiyakin na makapagdaraos ng halalan sa rehiyon sa 2025.

Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na naglalayong ipagpaliban ang May 2022 elections sa BARMM at gawin ito sa May 2025.

“Given these new opportunities, to deliver our commitments to the people of BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), I urge you to pass all the crucial legislations on fiscal policy particularly taxation and to facilitate the conduct of the elections in the BARMM in 2025,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“I also encourage the BTA to pass measures that will secure the welfare of the Moro people, particularly in agri-fishery, healthcare, transportation, communication, digital infrastructure, and e-governance,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang BTA dahil tatlo mula sa pitong priority codes, gaya ng “administrative, civil service, at education” ay aprubado na.

Ang unang parliyamento, na nagsilbi mula 2019 hanggang 2022 ay mayroong napagtibay na “31 bills and adopted 263 resolutions.”

“My congratulations to all that have been involved. To the newly-appointed members of the Bangsamoro Transition Authority, we would not have witnessed this glorious unfolding of history without you. We set our feet before this place and herald the triumphs that you have won through courage, certainty and noble bravery,” ayon kay Pangulong Marcos.

“The diverse representation now of the BTA speaks volumes of your answer towards that call for unity, of shared responsibility, and the invitation to advocate peace and development in the Bangsamoro region,” dagdag na pahayag nito.

Gayunman, sinabi ng Chief Executive na simula pa lamang ang “long list of achievements,” kabilang na ang pag-apruba sa Bangsamoro Transition Plan at pagpapasa sa mga pinakamamahalagang codes.

“As we go on and we formalize the structure and institutionalize the functions of the Bangsamoro government, we will see that those efficiencies will come in and what we had celebrated today and at the very beginning of the existence of the BARMM, what we had celebrated, we will now look upon as only a glimpse of what will happen in the future,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nangako naman si Pangulong Marcos na magbibigay ang kanyang administrayson ng “full and unwavering commitment to the peace process and to BARMM.”

Samantala, sa isinagawang sesyon, ang mga miyembro ng parliament ay naghalal ng mga sumusunod na opisyal:

• Atty. Pangalian Balindong, Speaker;

• Atty. Lanang Ali Jr., Deputy Speaker;

• Hatimil Hassan, Deputy Speaker;

• Atty. Nabil Tan, Deputy Speaker;

• Atty. Omar Yasser Sema, Deputy Speaker;

• Atty. Paisalin Tago, Deputy Speaker;

• Benjamin Loong, Deputy Speaker;

• Abdulkarim Misuari, Deputy Speaker;

• Atty. Sha Elijah Dumama-Alba, Majority Leader;

• Prof. Raby Angkal, Secretary-General; and

• Abdulgani Caludtiag, Sergeant-at-Arms.

Magsisilbi ang mga BTA officers hanggang mapalitan sila sa halalan sa taong 2025. Kris Jose