Panawagang taas-sahod ‘di napapanahon – DOLE    

Panawagang taas-sahod ‘di napapanahon – DOLE    

January 30, 2022 @ 10:12 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Tinawag ng Department of Labor and Employment na hindi napapanahon ang mga panawagang pagtataas sa pasahod bunsod ng hindi pa maayos na ekonomiya ng bansa.

Matatandaang inanunsyo ng Philippine Statistics Authority na nalagpasan ng Pilipinas ang target na paglago sa ekonomiya na itinakda noong 2021.

Sinabi ni Labor Asec. Dominique Tutay na mayroong mga panawagan para sa pagtataas ng sahod sa bansa, pero hindi ito nagtagumpay bunsod nga ng pagbayo ng pandemya sa ekonomiya ng Pilipinas.

“Both the management, the workers, including the government know very well the situation of our economy and they cannot just increase the salary,” ani Tutay sa interbyu sa CNN Philippines.

Giit niya, kahit nakaranas ng pagrekober ang bansa nitong nakaraang taon, nananatili namang “very unstable” ang ekonomiya.

Dagdag pa niya na maaari ring maapektuhan ang desisyon sa taas-sahod depende sa magiging resulta ng 2022 elections dahil maraming mga mamumuhunan ang naghahantay at nakikiramdam pa sa magiging mga polisiya ng susunod na administrasyon.

“Normally ang attitude ng investors dyan and even the businesses is to put on hold ‘yung business expansion or ‘yung bagong investments,” paliwanag pa niya. RNT