Panday na gumahasa sa dalagita, nagbigti-patay

Panday na gumahasa sa dalagita, nagbigti-patay

May 1, 2022 @ 9:14 AM 2 months ago


PORO, Cebu – Minabuti na lamang ng isang panday na wakasan ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kaysa sa mahuli siya ng mga awtoridad matapos gahasain ang dalagita sa Camotes Island nitong Sabado.

Nakabigti at wala nang buhay nang matagpuan ang suspek na itinago sa pangalang “Doro”, 37-anyos at residente sa Sta. Rita ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Poro Police Station, dakong alas-9:40 ng gabi nang natagpuan ang bangkay ng suspek na nakabigit sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago ang insidente, pinasok ng suspek ang 15-anyos na pamangkin ng kanyang misis na natutulog sa kuwarto at ginahasa.

Kuwento ni Nena, tinakpan ng suspek ng unan ang kanyang mukha sabay tinanggal ang kanyang pang-ibabang saplot.

“Pinipilit ko na lamang pong makahinga  saka nagpupumiglas po ko pero sinuntok niya po ako ng dalawang beses sa tiyan at wala na po akong lakas para maitulak siya  kaya nagtagumpay po siyang makaraos saka lamang niya ako pinakawalan,” ani pa ni Nena.

Sa kabila ng takot na nararamdaman ni Nena at pananakit ng katawan, nagsumikap pa rin siyang nagpunta sa kanilang barangay ay humingi ng tulong kay PB Nicasio Toralba at mga tanod .

Sinamahan naman ng mga opisyal ng barangay ang biktima sa himpilan ng pulisya para pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek at madakip na rin ito.

Pagdating ng mga pulis sa bahay ng suspek naabutan na lamang nila ang suspek na nakabigti gamit ang lubid at wala na itong buhay. Mary Anne Sapico