PANDEMIC EFFECT (IKA-3 LABAS)

PANDEMIC EFFECT (IKA-3 LABAS)

July 30, 2020 @ 10:00 PM 4 days ago

Share

“Teka nga,  katatawag mo lang kanina ha?”

“O, e, ano naman? Ito talagang asawa ko mabuti nga at inaalala ka e ‘no?”

“O, sige okey lang naman ako. Ano ba ang atin?”

“E, wala lang, nami-miss na kasi kita.”

“Aaaa alam ko na ang ibig mong sabihin, ha ha ha.”

“O, e, alam mo na pala bakit tatawa-tawa ka pa riyan?”

“E, wala lang Minerva. Naiintindihan naman kita dahil nami-miss ko na ang ano mo.”

“O, ganoon naman pala tapos tatawa-tawa ka pa riyan. Siguro napapa-beer house na kayo riyan ng boss mo.”

“Hay naku puro ka hinala. Wala pong beer house ngayong pandemic ano? Social distancing Minerva, social distancing. P’wede ka bang makayakap ng babae sa agwat na ‘sang-metro?”

“Ay oo nga pala. Pero miss ko na talaga Nonoy.”

“Ganoon din naman ako akala mo ba?”

“Hahhh miss ko na rin nga ang pagbubukaka mo ng walang panty riyan sa sofa dahil solo lang natin ang bahay.”

“Kaya nga sumaglit ka sana rito. May sasakyan ka naman  ‘di ba?”

Pero mahirap maglabas ng sasakyan.

Hayaan mo at pipilitin kong ipa-permit ang sasakyan, pero teka.

“Pero ano na namang teka ‘yan?”

“Mahigpit nga kasi talaga rito sa trabaho ngayon, Minerva. Kasama na rin ako sa hindi basta makakalabas dito. Para daw sa kaligtasan na rin ng lahat.”

“O, sige kung ganoon e ‘di wala rin pala akong mapapala.”

“Sorry na lang muna, Minerva. Ayaw mo ba no’n? ‘Pag nagkaharap uli tayo e ‘big night’ ha ha ha. E, teka pala, si Jigs kamusta na rin?”

“Hayun sa komedor, pilit na lang sigurong inuubos ‘yung minindal.”

“Haaay inip-talo na rin malamang iyan sa bahay. Kung bakit kasi inabot pa siya ng mas matinding quarantine.”

“Hahhh sinabi mo pa!”

“E ang anak natin si Buboy?”

“Heto naglalaro, nangungunyapit sa sofa.”

Naroon pa rin ang likwad ng mga araw para sa nakababagot na quarantine.

Napabalita rin ang ‘di karaniwan gaya ng paglalakad ng mga tao para makauwi at makapiling ang mga minamahal sa buhay.

ITUTULOY

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...