PANDEMIC EFFECT (IKA-4 LABAS)

PANDEMIC EFFECT (IKA-4 LABAS)

July 31, 2020 @ 10:00 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Higit n’yong paniwalaan na may mga naglalakbay na rin pauwi ng lalawigan.

Kaya nga si Minerva na asawa ni Nonoy ay pinipilit na pauwiin ang asawa.

“‘Noy, may mga tao na palang nakauwi sa probinsya. Hindi ka ba makasasaglit man lang? Nami-miss ka na ni Buboy,” sabi ni Minerva sa kanyang cellphone.

“Minerva ganoon din naman ako, hello, Buboy anak,” kaway ni Nonoy sa kanilang video chat.

“Ang sabi ko Nonoy may mga nakauwi ng taga-probinsya mula rito sa Maynila.”

“Ganoon ba? Ang titiyaga naman ng mga nakauwing ‘yun.”

“Oo, kaya kung sila nga nakauwi ikaw pa kaya ang hindi.”

“Pero hindi talaga p’wede hon. Kailangan kong sumunod sa patakaran dito sa trabaho.”

“O, e, ‘di sige bye hon. O, Buboy anak say bye to papa.”

Ganoon nga kahirap ang mawalay sa minamahal dahil ang kaakibat nito ay ang pananabik na makita ang pamilya.

Para sa mag-asawa ang makapiling ang isa’t isa.

Pero ano naman kaya ang isa pang tunay na dahilan kaya gustong-gustong makasama ang iyong ‘bana’ para sa isang mag-asawa?

Isa kayang tugon ang makita si Minerva sa silid nilang mag-asawa na narito at tinatapik-tapik ang pigi ng anak para makatulog?

“Tulog na baby sige na. Kantahan ka ni mama ha?”

“Sleep my darling baby mother isn’t far away.”

At nakatulog si Buboy, subalit si Minerva ay hindi.

“Hahhh sana narito ka ngayon Nonoy,” ang naianas ng ginang habang napapahaplos sa mga bisig pagapang sa dibdib.

“Ohhh ano ba ang nagawa ng pandemic na ito sa atin? Hahhh kinasasabikan kohhh,” anas nito na gayon na rin ang pisil sa kanyang kaselanan.

Ito nga ba ang isa sa dusa ng mag-asawa?

Pero gayunman ay matindi ang pananabik ng ginang sa asawa, pero pinaglalabanan niya ito.

“Hindi bale hahhh magkakatapusan na ng Marso. Makauuwi na ang asawa ko,” alo ng isip sa sarili.

Bumangon na lang si Minerva mula sa pagkakahiga at nilisan ang anak na natutulog sa silid.

Nakita niya ang pamangkin na si Jigs sa salas at may ka-video chat sa cellphone.

ITUTULOY

Comments (4)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...