PANDEMIC EFFECT (IKA-5 LABAS)

PANDEMIC EFFECT (IKA-5 LABAS)

August 1, 2020 @ 10:00 PM 2 days ago

Share

“O Jigs matapos mo ang call na ‘yan magminindal tayo. Ihahanda ko lang ang pagkain.”

“Sige auntie. Oo nga pala, teka Auntie Minerva. Irish heto na pala si Auntie,” wika ni Jigs na itinuon ang camera ng cellphone sa tiyahin.

“Hello kamusta po. Kayo pala ang auntie ni Jigs.”

“Oo ako nga. Ikaw pala si Irish, hah at maganda ka nga pala talaga Irish.”

“Hindi naman po.”

“E, nasaan ka nga pala ngayon?” tanong ni Minerva.

“Narito po sa bahay nila Jigs.”

“H-ha paano kang nakarating d’yan, hindi ba’t bawal na bawal ang lumabas ng bahay?”

“Mahabang salaysayin po Madam Minerva pero narito man ako ngayon, hindi na ako p’wedeng umalis para umuwi.”

“O, sige ingat na lang kayo riyan hane? Ikamusta mo na lang kami riyan kila inay at ate ko.”

“Sige po. Pasensya na po at nasa grocery ang mama ni Jigs, ang lola naman e tulog na.”

Gayon nga matapos ibigay ni Minerva ang gadget kay Jigs ay inihanda na nito ang kanilang minindal.

Inaasahan ni Minerva na sa sofa lamang ang binata para makihunta sa kasintahan gamit ang gadget subalit nagtungo ito sa labas ng pinto na kanugnog ng garahe.

“O, Jigs malapit nang matapos ‘to ha?”

“Sige po auntie rito lang ako sa garahe,” tugon ng binata.

Inihain na nga ni Minerva ang pagkain sa dining table pero hindi pa rin nagbalik-pasok ang pamangkin.

Doon nga ay lumapit siya sa pinto para tawagin si Jigs at naupo siya sa single seater couch na kalapit ng bintana.

Subali’t bago pa man ito magsabi sa binata ay nakarinigan niya ito kausap pa rin ang syota sa cellphone.

“Pero mahirap yatang mangyari ang gusto mong umuwi ako r’yan Irish, bantay-sarado na ang mga checkpoint ng barangay.”

“E ba’t ako nagawan ko ng paraan? Basta subukan mo lang Jigs sige na.”

“Hus ikaw naman kasi. Bakit sumagsag ka pa r’yan sa bahay e, alam mo namang may pandemic?”

“Jigs, I miss you at alam mo na kung bakit. Jigs hindi mo ba na-miss ang lagi nating ginagawa?”

“Hay Irish kung alam mo lang, sabik na ‘kong malantakan ka muli. Atat na nga akong mahalikan ang hiyas mo.”

“Kaya nga pumarito ka na.”

“Oo sige gagawan ko ng paraan para mahimod ko na ‘yan,” tugon ng binata.

ITUTULOY

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...