PANDEMIC EFFECT (IKA-6 LABAS)

PANDEMIC EFFECT (IKA-6 LABAS)

August 2, 2020 @ 10:00 PM 1 day ago

Share

Nagulat ang ginang sa narinig na kataga sa labi ng kanyang pamangkin.

Nalaman tuloy ng ginang na may itinatagong kahalayan ang pamangkin.

Noon nga ay tinawag na ni Minerva si Jigs at sila ay magkasalong nagminindal.

At sa dining table nga ay nagpaabiso si Jigs sa ale.

“Auntie Minerva susubukan ko sanang umuwi ng bahay,” panimula ni Jigs.

“Pero mahigpit sa checkpoint ng bara-baranggay Jigs, naka-lockdown ‘di ba?”

“Pero bakit nagawa ni Irish? Sige na auntie kasi babalik din naman ako rito,” insiste ni Jigs.

“Pero paano naman ako? Paano ‘pag nakauwi ka nga, hindi ka na nakabalik? Mahigpit talaga ngayon Jigs.”

Sa gayong pigil ni Minerva ay nakapanaig si Jigs sa gusto at siya ay pinigilan ng tiyahin.

Naiwan nga sa bahay si Minerva na kasama ang anak na si Buboy.

“Hahh titiisin ko ba ang magsolo sa bahay na kasama ka anak?” naisaisip ng ginang habang nakahiga sa sofa at tinitingnan ang bata na naglalaro.

“Ahhh Nonoy sana payagan ka man lang sa trabaho mo na makauwi,” naisaloob nito na mandin ay nakapatong ang bisig sa noo.

Ganito nga ba ang napapala sanhi ng salot na ito?

Narito nagkakawalay ang magbana maging ang may iniirog na si Jigs, sa kanyang syota na sapalaran niyang titipanin sa kanilang bahay.

Narito nga si Minerva, sa sofa na kinahihilataan sa kusang pagpapatay niya ng oras sa dahilang sila na lang ng kanyang anak na si Buboy.

Naroon na rin ang kanyang pangungulila dahil sa panahon ng isang buwan o humigit sa kawalan ng kanyang asawa.

ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...