Pandemic endgame, malapit na sa Europa – WHO

Pandemic endgame, malapit na sa Europa – WHO

February 4, 2022 @ 10:30 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dalawang taon makalipas ang COVID-19 outbreak, malapit nang pumasok sa tinatawag na “long period of tranquility” ang Europe dahil sa mataas na vaccination rate, mas banayad na Omicron variant at pagtatapos ng taglamig.

Sabi ni World Health Organization (WHO) Europe director Hans Kluge, tila isa itong ceasefire na maaaring magdulot ng walang hanggang kapayapaan kahit pa nananatili ang banta ng Omicron variant.

Hindi naman sa sinasabi niyang tapos na ang pandemya pero nakikita nila ang oportunidad na makontrol ang pagkalat nito.

“It is possible to respond to new variants that will inevitably emerge—without re-installing the kind of disruptive measures we needed before,” saad ni Kluge.

Magkakatotoo lang din aniya ito kung ipagpapatuloy ng mga bansa ang kampanya nila sa pagbabakuna at palalakasin ang surveillance sa pagtukoy ng mga bagong variants.

Hinimok din niya ang mga health authorities na protektahan ang “risk groups” at i-promote ang individual responsibility gaya ng social distancing at pagsusuot ng face mask. RNT