Pandemya ‘di hadlang sa kapayapaan, pag-uunawaan at pagkakaisa-Galvez

Pandemya ‘di hadlang sa kapayapaan, pag-uunawaan at pagkakaisa-Galvez

December 8, 2021 @ 7:25 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nakikipagtulungan na ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa ilang ahensiya ng pamahalaan alinsunod sa Six-Point Peace and Development Agenda ng pamahalaan sa loob ng targeted conflict-afflicted areas, sa kabila ng hamon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

Sinabi ni OPAPP head Secretary Carlito Galvez Jr. nagbigay inspirasyon sa OPAPP ang liderato ng administrasyon, Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine National Police upang makamit ang milestones sa pagtugon sa insurgency problems.

“I will do my best at iso-solve namin po ang problema sa ground, with the help of (DND) Secretary Delfin Lorenzana and (DILG) Secretary (Eduardo) Año,” ayon kay Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

Sinabi pa rin ni Galvez na nananatiling matatag ang bansa para sa pagpapatupad ng peace and order simula pa noong 2017.

“The Duterte administration established a strong foundation in the implementation of the signed peace agreement for the next administration to build upon and sustain the gains of peace, particularly in Mindanao,” dagdag na pahayag ni Galvez

Sa gitna pa rin ng Covid-19 pandemic, sinabi ni Galvez na nagpapatuloy ang peace process kabilang na ang implementasyon ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front.

“Nangangako po ang OPAPP na patuloy nitong itataguyod ang kapayapaan, pag-uunawaan at pagkakaisa. Sisiguraduhin namin po ang lahat na nakapaloob na kasunduang pangkapayapaan ay maisasakatuparan,” aniya pa rin.

Si Galvez, vaccine czar at hepe ng National Task Force Against Covid-19, ay nagpahayag na ang OPAPP ay tumutulong din para makamit ang mapayapa at maayos na 2022 elections. Kris Jose