Pandemya mitsa ng learning loss sa science, math sa private school learners – pag-aaral

Pandemya mitsa ng learning loss sa science, math sa private school learners – pag-aaral

March 14, 2023 @ 11:06 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nakaranas ang mga estudyante mula sa private schools sa bansa ng learning loss sa science at mathematics dahil sa education-related issues sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, base sa pag-aaral ng University of San Carlos (USC) at Thames International School (TIS).

Isinagawa ng mga institusyon ng unang Philippine Assessment for Learning Loss Solutions (PALLS) sa huling kwarter ng 2022, kung saan 3,600 estudyante sa Grade 1 hanggang 12 mula sa 18 private schools sa buong bansa ang nakilahok.

Batay sa resulta ng pag-aaral, ang average scores ng mga estudyante ay 47.5% para sa math, at 54.1% para sa science, na mas mababa sa standard passing score na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa 60%.

Samantala, naitala naman ang 61.5% score para sa English.

Sinabi ni USC School of Education dean Richard Jugar, na nagprisenta ng resulta ng pagsusuri na batay ang PALLS sa Most Essential Learning Competencies sa tatlong asignatura.

Sumailalim ang mga estudyante ng 75 multiple-choice test mula sa laman ng kanilang math, science, at English subjects sa nakaraang grade level.

Inihayag ng USC at TIS said na lumabas sa mas detalyadong analysis ng grade levels na ang average scores para sa tatlong asignatura ay bumaba sa pagtaas ng grade level, na nangangahulugan ng “more severe effect” para sa mga mag-aaral sa Grade 4 hanggang 12.

“The older the student, the lower the result…The magnitude of learning loss is much higher at the upper-grade levels,” paliwanag ni Jugar.

Sinabi naman ni USC president Fr. Narciso Cellan Jr. na kapag hindi natugunan ang problemang ito, maaaring magdulot ang learning loss ng malaking productivity loss at economic consequences.

“It is therefore hoped that through this initiative, USC and Thames International will find like-minded individuals and groups who will partner with us in crafting and putting in place intervention programs that will put a stop to learning loss and turn it into learning boost,” dagdag niya.

Nauna nang inamin ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte na malaki ang negatibong epekto ng pandemya sa edukasyon ng mga Pilipinong mag-aaral. RNT/SA