Mga baguhang solon nag-aral sa crash course sa Kamara

June 28, 2022 @7:51 AM
Views:
0
MANILA, Philippines – Sumailaim sa tatlong araw na training program ang mga bagong mambabatas na magsisilbi ngayong 19th Congress bilang paghahanda sa kanilang bagong tungkulin sa House of Representatives.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza sinimulan kahapon ang Executive Course na naglalayong ipaalam sa mga bagong halal na miyembro ang “ins” and outs” sa tanggapan.
Ang nasabing programa ay inorganisa ng House Office of the Secretary General katuwang ang University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) at Center for Policy and Executive Development (CPED).
Sinabi ni UP-NCPAG Associate Professor at Dean Dan Saguil mahalaga ang tungkulin ng legislative branch at ang maayos na ugnayan nito sa iba pang sangay ng gobyerno gayundin sa private sector para makamit ng bansa ang national development.
“We hope that the seminar would equip the legislators so they can work on measures aimed at alleviating the plights of the Filipinos”ani Saguil.
Sa unang araw ng seminar ay 24 sa 28 Batch 1 members ang dumalo. Gail Mendoza
NegOr, excited sa pag-upo ni Gov. Henry Teves

June 28, 2022 @7:37 AM
Views:
24
MANILA, Philippines – Tila na tinadhana na talaga Governor-elect Bayawan City Mayor Pryde Henry Teves ang maging gobernador ng Negros Oriental dahil sa makikitang kasabikan ng mga tao na ma-upo na ito upang masimulan ang tunay na pagmamahal nito sa bawat Negrosanos.
Ngayong linggo na ito ang oathtaking ni Governor-elect Teves na siyang sinasabing tulad ng pangalan nito na Pryde at siya rin na PRIDE ng bawag Negrosanos dahil tiwala ang mga mamamayan sa magandang magagawa nito sa probinsiya.
Na-i-proklama si Gov. Teves ng provincial election officer noong nakaraan Mayo 10 matapos itong humakot ng 296,897 na boto at manguna sa ibang naghangad kabilang si Gob. Roel Degamo.
“God is good all the time. And, all the time, God is good. Hindi po masasayang ang tiwala na inyong ibinigay. Ang aking puso at isipan ay itututok ko lang sa ikabubuti ng bawat Negrosanos. Panahon na para puspusang umunlad ang Negros Oriental,” pahayag ni Teves.
Sa kabila ng pangugulo ng isang natalong kandidato, nananatili ang isipan ni Gob. Teves sa mga dapat unahin at mga dapat linisin sa oriental na makakatulong ng Malaki sa pamumuhay ng mga Negrosanos ayon dito.
Ayon sa bagong gobernador, lilinisin nito ang kurapsyon sa probinsya at bubusisiin man kung ano ang mga anomalyang nagkaroon sa probinsya mula sa dating pangangasiwa ng mga nanunungkulan dito.
“Panahon na po para linisin at payamanin ang probinsya. Kailangan nating mapa-asenso ang pamumuhay ng Negros Oriental. Sisiguraduhin natin na mararamdaman agad po ito ng bawat mamamayan ng Negros Oriental,” pagtatapos ni Teves. RNT
TESDAMAN nanumpa sa historic Barasoain Church

June 28, 2022 @7:25 AM
Views:
30
MANILA, Philippines – Sa historical site na Barasoain Church sa Malolos, Bulacan nanumpa si Sen. Joel Villanueva para sa kanyang ikalawang termino sa Senado nitong Lunes, Hunyo 27, 2022.

Dumalo sa oath-taking event ng mga kamag-anak ng senador, mga lokal na opisyales ng Bulacan, at mga supporters ni Villanueva.

Si Kap. Robin del Rosario ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Bulacan na kababata ni Villanueva ang siyang nagpasinaya ng panunumpa ng senador. RNT
Grupo ng OFWs na BBM supporters kinuwestyon ang pagtalaga kay Ople sa DMW

June 28, 2022 @7:12 AM
Views:
51
MANILA, Philippines – Sumugod ang nasa 50 overseas Filipino workers o OFW Global na mga tagasuporta ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang headquarter sa Mandaluyong para kwestyunin ang pagpili nito kay incoming Department of Migrant Worker Secretary Susan Ople.
Giit kasi ng grupo na gusto nila ng isang malusog na kalihim para sa mga migrant workers.
Saad sa plaka ng grupo: Sigaw ng mga OFWs, Please President eleect BBM, bigyan mo kami ng isang secretary na malusog at walang sakit.

PINAS The Filipino’s Global Newspaper
Dagdag pa ng mga ito na dumaraan umano si Ople sa chemotherapy kaya nangangamba sila na hindi magampanan ng maayos ng huli ang kanyang trabaho.
Sa kabilang banda, pinuna rin ng mga raliyistang OFW ang moralidad ng incoming secretary.
Sa mga plakard din ng grupo kinukwestyon nila ang civil status ni Ople at pinalilinaw kung kasintahan ba nito ang kanyang drayber. RNT
Digong: Paglaktaw ni BBM sa presidential debates, tama lang

June 28, 2022 @7:00 AM
Views:
4