Panelists, tanong sa Comelec-KBP forum aaprubahan muna ng poll body

Panelists, tanong sa Comelec-KBP forum aaprubahan muna ng poll body

April 26, 2022 @ 7:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aaprubahan muna ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang magsisilbinhg panelists at kanilang mga tanong para sa isasagawang panel interview ng poll body sa mga presidential at vice presidential candidates, katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

“Kailangan i-submit nila sa amin. In fact pati yung mga question na puwede ibato sa kandidato,” ani Commissioner George Garcia.

Kasabay nito, sinabi ni Garcia na maaaring aprubahan ng en banc ang memorandum of agreement nito sa KBP sa isasagawa nilang sesyon bukas.

Matatandaang ang KBP na ang magiging partner ng Comelec sa isasagawa nitong panel interview matapos na hindi matuloy ang nakatakda nitong debate noong weekend dahil sa kabiguan ng dati nitong event organizer na Impact Hub Manila na mabayaran ang Sofitel.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang Comelec campaign teams ng mga kandidato sakaling nais nilang makita ang guidelines at panuntunan sa gagawing one-on-one interview. RNT/ JCM