Panelo, bagong Press Secretary

Panelo, bagong Press Secretary

October 9, 2018 @ 7:35 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo Jr. ang napili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para pamunuan ang bubuhaying Office of the Press Secretary (OPS).

Ayon sa Pangulo, hinayaan na niyang tumakbo si Presidential spokesperson Harry Roque.

Aniya, pabago-bago kasi ang pahayag ni Sec. Roque sa pagtakbo nito o hindi sa 2019 midterm elections.

Ani Pangulong Duterte, nang magpaalam si Sec. Roque na tatakbo siya sa susunod na eleksyon ay kaagad siyang naghanap ng kapalit nito.

Inanunsyo rin ng pangulo na mayroon na siyang napiling bagong foreign affairs secretary pero hindi niya muna sinabi kung sino ito.

Kinausap umano siya ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano na nagsabing tatakbo bilang kongresista sa kanilang distrito sa Taguig City. (Kris Jose)