Panelo kay Lea Salonga: ‘cool ka lang’

Panelo kay Lea Salonga: ‘cool ka lang’

June 24, 2020 @ 5:58 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinangaralan ng Malakanyang ang Broadway actress na si Lea Salonga matapos mag- trending online ang pagmumura nito sa Pilipinas.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kung mayroon man itong sama ng loob laban sa Pilipinas ay huwag isapubliko dahil marami ang magiging interpretasyon dito lalo na ang netizens.

Binigyang diin ni Sec. Panelo na hindi magandang ehemplo na ang isang celebrity na hinahangaan ng maraming Pilipino ay hindi iginagalang ang bansa kung saan ito ipnanganak at kung saan ito naghahanapbuhay.

“Ang advise natin kay miss Lea, cool ka lang. Kung ano man ang sama ng loob mo, huwag mong isapubliko lalo kung laban sa sarili mong bansa kung saan ka ipinanganak, kung saan ka kumikita, kung saan ka kinikilala, hindi magandang ganyan,”ayon kay Sec. Panelo.

Sa kabila ng inamin at nagbigay katuwiran si Salonga na mainit lang ang ulo niya noon kaya namura ang Pilipinas ay sinabi ni Sec. Panelo na palusot na lamang ito ng singer dahil nabanatan siya ng husto at nag-trending pa sa social media.

Sa kabilang dako, walang kasong maisasampa kay Lea Salonga sa ilalim ng batas kaugnay sa ginawang pagmumura nito sa Pilipinas.

Ang tatatak lamang laban sa singer ay ang ginawang pambabastos nito sa sariling bansa.

“Parang disrespect yun sa bansa mo. Walang specific na kaso,” diing pahayag ni Sec. Panelo.

Magugunitang, inulan ng puna at batikos ang facebook post ni Salonga na “Dear Pilipinas, p*****i**, ang hirap mong mahalin” subalit makalipas ang ilang araw ay nagpaliwanag ito at binura na ang kontrobersiyal na post sa kanyang facebook account. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...