Panelo, nag-react sa sorry ni Sharon!

Panelo, nag-react sa sorry ni Sharon!

March 26, 2022 @ 11:39 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Kaagad ding naglabas ng reaksyon ang senatorial aspirant na si Atty. Salvador Panelo nitong March 25 bilang tugon sa paghingi ng sorry ni Sharon Cuneta which she posted a day before.

Inihingi ng tawad ng Megastar ang kanyang sinabi patungkol sa pagkanta ni Panelo ng kanyang awitin.

Matatandaang hindi nagustuhan ni Sharon when Panelo sang her song Sana’y Wala ng Wakas at a campaign rally.

Okey sana kung kapatido ng kanyang asawa ang umawit niyon.

Little did Sharon realize na inialay pala ‘yon ni Panelo sa kanyang anak na si Paolo na may Down syndrome at yumao noong 2017.

Pero nahimasmasan na rin ang singer- actress dahil nagsilbing tulay ang kanyang awitin para makatulong sa mga batang may special needs.

For his part, ayaw i-assume ni Panelo na sa kanya nag-apologize si Sharon dahil hindi naman siya pinangalanan nito.

Hindi raw kailangan ng apology dahil hindi naman daw siya nasaktan.

Dagdag pa ni Panelo, “I just felt sad that she was offended or slighted but it was not my intention at all.”

Tulad din daw ng asawa ni Sharon na si Kiko, bukod sa ipinaapaalam nila sa tao ang kanilang plataporma ay nag-e-entertain din sila sa pamamagitan ng musika.

So there. Ronnie Carrasco III