Panelo nagbigay ng suporta sa pagsusulong ng RevGov

Panelo nagbigay ng suporta sa pagsusulong ng RevGov

November 30, 2020 @ 10:54 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines  – Lalong nag-alab ang damdamin ng mga nagsusulong ng Revolutionary Government sa ilalim ng People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change sa pagdalo ni Legal Affairs Secretary Salvador Panelo sa kanilang pagpupulong sa Sta Cruz, Zambales.

Sinabi ni Panelo na “the sovereign will of the people and their welfare is the supreme law” at walang makapipigil sa taong bayan kung revolutionary government ang kanilang kagustuhan. Maging si Presidente Rodrigo Duterte ay walang magagawa kundi sundin gusto ng mamamayan pagkat sila ang tunay na may kapangyarihan.

Dumalo rin bilang pag suporta ang mga beteranong aktibista na sina Gen Victor Corpuz, dating NPA Kumander ng Panay Islands na si Peter Mutuc at ang founder ng Rebolusyong Duterte na si Bishop Nilo Tayag.

Sinabi naman ni dating Makati Vice Mayor Bobby Brillante, Secretary-General ng People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change na wala nang paraan upang maisulong ang tunay na pagbabago kundi ang revolutionary government.

“Sa ilalim nito lamang masusugpo ang korapsyon at kriminalidad, mabubuwag ang family dynasty na naghahari sa mga bayan, siyudad, mga lalawigan hanggang sa kongreso,” aniya.

“Sa ating gobyerno, yumayaman ang mga nanunungkulan samantalang ang mamamayan ay lalong nababaon sa kahirapan.”

Nais natin ibalik sa taong bayan ang kapangyarihan at dapat sila ang masusunod kung sino ang mamumuno sa gobyerno. Ang isinusulong natin ay gobyerno ng mamamayan, hinde ng iilan. RevGov at Pederalismo lamang ang tanging paraan.,” giit pa nito.

Dagdag pa ni Brillante, mapayapang rebolusyon ang solusyon at hindi eleksyon ang kailangan ng bayan.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati sinabi ni Brillante, “A government that does not serve the interest and welfare of its people deserves to be overthrown”. RNT/C. Morales


  •  
  •  
  •  

Loading...