Hirit ni Poe sa DA: Hog raiser ‘wag hayaang malubog sa utang

February 26, 2021 @12:25 PM
Views:
4
MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Grace Poe sa Department of Agriculture na magbigay ng mas maraming suporta sa hog farmers na lubhang apektado ng African Swine Fever (ASF) na pumatay sa mahigit ikatlong bahagi ng industriya ng baboy sa bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Poe na umaabot sa 65% ng domestic poultry supply ang hog raise sa likod bahay at lubhang apektado ng ASF.
“Sa ngayon, ang panukala ng DA ay meron sila halos P30 billion na ipapautang sa ating mga hog raisers. Ang problema, walang gustong umutang kasi hindi sila sigurado baka mamaya magkasakit na naman ang mga alaga nila—may utang na sila, lugi pa,” ani Poe.
Aniya, kapag may isang baboy na nagkasakit ng ASF sa babuyan, kailangan patayin ang lahat ng baboy na alaga sa babuyan alinsunod sa itinakdang patakaran ng DA kaya lubha silang nalulunod ngayon sa utang.
“Kaya ang sabi namin dapat kung nagpapautang ang DA, kung merong bagyo o kaya merong sakit na hindi naman kontrolado ng mga hog raisers o ng mga magsasaka, dapat ay ipatawad na ang kanilang utang,” dagdag ni Poe.
Sinabi ni Poe na kayang balikatin ng pamahalaan ang halaga partikular kapag bumababa ang presyo ng karne ng baboy at tumaas ang pangangailangan.
Umabot sa mahigit P400 kada kilo ng baboy noong nakaraang taon. Sa pagpapalabas ng Executive Order No. 124, itinakda ang price ceiling sa P300 kada kilo ng liempo, P270 kada kilo ng kasim at P160 naman sa dressed chicken.
Pero, ayon kay Poe, nangangamba ang magsasaka na baka malugi sila sa mga susunod na buwan kaya maraming hog raiser ang lumahyok sa “pork holiday”bialng protesta sa price ceiling.
“Kasalanan ba nila na nagkabagyo? Kasalanan ba nila na hindi gumawa ng trabaho na tama ang mga inspectors kaya nahawa sa imported na karne? Hindi naman nila kasalanan ‘yun… dapat siguro iprayoridad nila ang mga magsasaka, ang mga nag-aalaga ng hayop sapagkat ‘yan ang pinakamaliliit ang kita,” ayon sa senador.
Naunang hinikayat ni Poe ang DA na higpitan ang border control sa pagpasok ng karne at produkto nito sa bansa at tiyakin na hindi makalulusot ang mga ismagler. Ernie Reyes
‘Best-case scenario’: Pagdating ng AstraZeneca sa Maynila sa Marso pa – Isko

February 26, 2021 @12:17 PM
Views:
9
MANILA, Philippines – Maaring sa huling linggo ng Marso darating sa Maynila ang bakuna ng AstraZeneca laban sa COVID-19, ito ayon kay Manila Mayor Fransico Domagoso, Biyernes, ang “best scenario” na maaring mangyari.
“In the worst-case scenario, ‘yong AstraZeneca will arrive in September, a good scenario is June, a best scenario is March,” ani Domagoso sa interbyu sa Teleradyo.
Nitong nakaraang linggo lang nang magbigay na ng 20% down payment ang lungsod ng Maynila para sa nasabing bakuna na umabot sa P38.4 million.
800,000 doses ng AstraZeneca vaccine ang inorder ng Maynila LGU para sa babakunahang 400,000 residente nito.
Siniguro naman ni Moreno na magpapabakuna siya sa harap ng publiko kahit anomang bakuna ang darating.
“Kung ano man ang bakunang dumating, as long as ito ay nagkamit ng EUA o emergency use authority ng FDA (Food and Drug Administration) ay ito’y aming gagamitin. Kung ito ay Sinovac, handa tayong magpabakuna sa mata ng publiko.” RNT
Worldwide coronavirus deaths, 2.5 million na – AFP tally

February 26, 2021 @12:08 PM
Views:
10
MANILA, Philippines – Higit 2.5 milyong buhay na ang nakitil ng COVID-19 sa buong mundo simula nang maitala ang unang kaso nito noong Disyembre 2019, ayon sa tala ng AFP.
Sa kabuuan, nakapagtala na ng 2,500,172 nasawi habang umabot na sa 112,618,488 ang kasong naitatala sa buong mundo.
Nanguna ang Europa sa 842,894 deaths sinundan ng Latin America at Caribbean (667,972 deaths) at ng US at Canada (528,039).
Halos kalahati ng nasawi ay mula sa limang bansa: US (506,232), Brazil (249,957), Mexico (182,815), India (156,705) at Britain (122,070). RNT
Pfizer vaccine ‘di na kailangan ng espesyal na freezer – US FDA

February 26, 2021 @12:00 PM
Views:
12
MANILA, Philippiens – Aprub sa United States Food and Drug Administration ang paglalagak sa normal na freezer ng mga vial ng bakuna ng Pfizer sa COVID-19 sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa US-FDA na maaari nang kalusin ang naunang requirement ng nasabing bakuna na mailagak sa ultra-low temperatures, sa pagitang ng -112 at -76 degrees Fahrenheit (-80 sa -60 degrees Celsius).
Dahil dito, lubos na mapagagaan na ang paghawak sa nasabing bakuna pagdating sa logistics problem nito dahil pwede nang gumamit ng karaniwang pharmaceutical freezers.
“The alternative temperature for transportation and storage will help ease the burden of procuring ultra-low cold storage equipment for vaccination sites and should help to get vaccine to more sites,” ani Peter Marks, director of the FDA’s Center for Biologics Evaluation and Research.
Ayon pa sa FDA na agad nilang ia-update ang fact sheet para sa health care providers.
Ang mga karaniwang pharmaceutical freezers ay may lamig na -4 degrees Fahrenheit (-20 degrees Celsius).
Ang hakbang ay base na rin sa pag-aaral na isinagawa ng nasabing vaccine manufacturer. RNT
Probinsya, 20 bayan sa Region 2 apektado ng ASF

February 26, 2021 @11:50 AM
Views:
17