Panelo, spotted sa concert ni Sharon!

Panelo, spotted sa concert ni Sharon!

June 18, 2022 @ 11:40 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Tunay ngang iisang araw lang ang eleksyon, at pagkatapos nito’y balik normal na ang buhay.

Guess who was spotted at the Iconic concert of Sharon Cuneta and Regine Velasquez nitong June 17, Biyernes sa Marriott Hotel?

Sino pa kundi si dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Katabi niyang nanood ng naturang pagtatanghal si Senator-elect Robin Padilla.

Pagkakita, lumapit ang Manila Times entertainment editor na si Tessa Mauricio kay Panelo sabay sabing, “So let bygones be bygones, Mr. Secretary?”

Sagot naman ni Panelo, “Oh yes, that’s why I’m here!”

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Panelo at Sharon sa kasagsagan ng kampanya.

Openly, hindi nagustuhan ni Sharon na inawit ni Panelo ang kanta niyang Sana’y Wala Nang Wakas sa kampanya ng partidong Uniteam na kinabibilangan nito.

Ang Uniteam ay kalaban ng partidong nagsusulong sa Robredo-Pangilinan tandem.

Kalauna’y nagkaayos din sina Sharon at Panelo.

Base sa picture, mukhang nag-enjoy naman si Panelo sa kanyang panonood ng concert. Ronnie Carrasco III