Panelo walang dapat ipag-sorry kay Hidilyn

Panelo walang dapat ipag-sorry kay Hidilyn

July 28, 2021 @ 6:19 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nanindigan si Presidential legal counsel Salvador Panelo na walang dapat ipag-sorry kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz matapos maisama sa oust-Duterte matrix noong 2019.

“Madali mag-apologize kung mali ang ginawa mo, pero kung wala ka namang ginawa… ano bang ginawa ko? I just presented the matrix upon the instructions of the President. Wala naman ako kinalaman [sa matrix],” giit ni Panelo sa panayam ng ANC.

“You cannot apologize for something you have not committed,” punto nito.

Aniya, nasangkot lamang ang pangalan ni Diaz dahil fina-follow nito ang mga social media account ng certain Rodel Jayme na inakusahang gumawa ng video ni Pangulong Duterte at pamilya nito tungkol sa iligal na droga.

Sa panahon ni Panelo bilang tagapagsalita ng Pangulo lumabas ang nasabing matrix.

Ayon sa opisyal, inalis na ang pangalan ni Diaz dito ngunit isinisi niya ito sa media dahil sa “faulty analysis.”

When a principal gives you a document, it is assumed that it was done [with presumption of] regularity in performing official duty,” aniya.

“I am sorry and I am sad to know na nasaktan si Hidilyn. I am sorry for that, kawawa naman. Hindi naman iyon ang intensiyon nung mga gumawa ng matrix,” saad pa nito.

Ani Panelo natutunan nito sa insidenta ang: “The message is before you feel pain, tignan mo muna kung tama ang sapantaha mo.”

“Mali ang interpretasyon, ‘yun ang pinupinto ko. Walang dapat ipag-sorry. Nag-sorry lang ako kasi nasaktan siya, pero wala naman dapat ipag-sorry kasi hindi naman siya sinasama eh. Hindi siya kasama,” punto nito. RNT/ELM


  •  
  •  
  •