‘Pang-aabuso’ ng mga guro sa mga estudyante tatalupan ng CHR

‘Pang-aabuso’ ng mga guro sa mga estudyante tatalupan ng CHR

August 31, 2022 @ 5:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Maglulunsad ang Commission on Human Rights (CHR) ng hiwalay na imbestigasyon sa umano’y pang-aabuso sa mga estudyante ng ilang mga guro sa Cavite at Camarines Norte.

Base sa Department of Education (DepEd), anim na guro ang iniimbestigahan dahil sa umano’y sexual harassment na naganap sa Bacoor National High School sa Cavite.

Samantala, haharap naman ang isang guro sa Camarines Norte sa administrative proceedings matapos anf viral social media post na nag-aakusa sa kanya ng berbal na pang-aabuso sa isang Grade 5 student sa unang araw ng klase.

“Both cases, if confirmed to be true, are condemnable incidents that betray the trust children and parents put [in] schools as safe havens for learning,” pahayag ni CHR Executive Director Jacqueline Ann de Guia nitong Miyerkules.

“To ascertain the truth behind these allegations and render aid to those afflicted, the CHR, through its Regional Offices in Region IV-A and V, will be conducting its own independent inquiry into this matter,” dagdag niya.

Ikinatuwa naman ni De Guia ang pagtugon ng DepEd sa mga ulat ng pang-aabuso at imbestigasyon nito at proteksyon sa mga biktima ng mga nabanggit na insidente.

Hinikayat din niya ang departamento na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa educational institutions upang paigtingin ang “reporting, prevention, and remedial measures” sa pagtugon sa exploitation, karahasan, diskriminasyon, bullying, at iba pang akto ng pang-aabuso sa muling pagbubukas ng klase.

“In all of this, CHR reminds educational institutions, including the government as the prime duty holder of human rights, that we must always uphold the best interest of the child,” ani De Guia.

“A child’s right to education goes beyond discussions on access, but equally encompasses the quality of education received and the conditions that make learning and development conducive.” RNT