Pang. Duterte at SAP Go, tinulungan ang pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay at nasugatan sa car bomb sa Basilan

Pang. Duterte at SAP Go, tinulungan ang pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay at nasugatan sa car bomb sa Basilan

August 5, 2018 @ 9:23 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Sinusubukan pa rin nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go na bigyan ng pag-asa at itaas ang morale ng mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay at nasugatan sa pagsabog ng isang car bomb sa Basilan noon lamang Martes.

Sa kanilang pagbisita sa Camp Navarro General Hospital, WESMINCOM, Zamboanga City kahapon ay nasa gitna man ng pighati at pagdadalamhati ang mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na namatay at nasugatan sa pagsabog ay ginawaran ng Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu (Posthumous) ang mga napatay na sundalo sa nasabing insidente.

Maliban dito, binigyan din niya ang bawat pamilya ng Php 20,000.00 worth of cash assistance, cheques worth Php 250,000.00 of financial assistance at bagong cellphone.

Para naman sa mga namatay na sibilyan, hinandugan ang kanilang mga pamilya ng Php 20,000.00 cash, cheques worth Php 50,000.00 of financial assistance at bagong cellphone.

Nakatanggap din ng Php 10,000.00 cash, cheques worth Php 100,000.00 of financial assistance, bagong cellphone at gun certificate ang mga nasugatan na sundalo at sibilyan sa insidente.

Nangako naman si Pangulong Duterte na magbibigay ito ng educational assistance at monthly allowance para sa pag-aaral ni Mud Manda, anak nina CAA Muid Manda at Hadji Radia Manda na namatay sa pagsabog.

Tutulungan din nito ang nasugatan na si Mrs. Angelina Inso, asawa ni CAA Gerry Inso, na kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Ciudad Medical.

Buong suporta at tulong din ang pangako ng Pangulo sa lahat ng mga sundalo na naroon.

Kasamang bumisita ng Pangulo at ni SAP sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (CSAFP) General Carlito Galvez Jr., Commanding General of the Philippine Army (CGPA), Lt. Gen. Rolando Joselito Bautista, Western Mindanao Command LTGen. Arnel B Dela Vega at Presidential Adviser for Military Affairs Arthur Tabaquero.

Samantala, nakiramay naman sina Pang. Duterte, SAP Go at ang buong bansa sa mga pamilya ng mga sundalo at sibilyan na nasawi sa pagsabog sa Basilan. Kris Jose