Pang. Duterte, hindi tiyak kung maipatutupad ng tama o hindi ang BOL

Pang. Duterte, hindi tiyak kung maipatutupad ng tama o hindi ang BOL

August 5, 2018 @ 1:37 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Hindi masiguro ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung maipapatupad nang tama o hindi ang mga probisyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mindanao.

Ito’y sa kabila nang ganap ng batas ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na nagpapalakas sa pangangasiwang pansarili ng Bangsamoro Region na matagal nang isinulong ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa rehiyon.

Kaya ang dalangin ng Pangulo sa taumbayan para maging maayos ang implementasyon ng batas na ito na naglalayong magbigay ng patas na pagkakataon para sa lahat ng tribu na sakop ng Bangsamoro Region.

Umaasa rin aniya itong tatalima ang grupo ni MNLF founding chairman Nur Misuari na mayroong pagkakaiba sa prinsipyo at pananaw na isinulong ng MILF.

Sa kabilang dako, kinastigo muli ni Duterte ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa patuloy na pagmamatigas na tatalima sa mga kondisyon na inilatag ng gobyerno upang umusad ang peacetalks negotiations.

Kailangan aniyang itigil na ng mga tagasunod ng komunistang grupo na magpaloko kay CPP founder Jose Maria Sison na nagtatago lamang sa labas ng bansa.

Sinabi pa nito na nasa hanggang tatlong taon na lamang umano ang itatagal ni Sison dahil sa iniinda nitong karamdaman kaya hindi na makapag-pamuno ng panibagong limang dekada na pakikipaglaban sa pamahalaan. Kris Jose