Panga bilang PEZA OIC kinilala ng DOJ

Panga bilang PEZA OIC kinilala ng DOJ

December 11, 2022 @ 9:58 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala ng Department of Justice (DOJ) ang pag-upo ni Tereso Panga bilang officer-in-charge (OIC) ng Philippine Economic Zone Authority (Peza), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Matatandaan na ginisa si Trade Secretary Alfredo Pascual ng mga mambabatas kaugnay sa leadership row ng PEZA.

Dagdag pa, itinuturong sangkot si Panga sa pagpapatalsik, pagtanggal, pagpapalipat o demotion ng ilang mga empleyado na nakaugnay sa dating PEZA chief na si Charito Plaza.

Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 8, sinabi ng DTI na ang DOJ ay
“has issued DOJ Opinion No. 17, s. 2022 affirming that the assumption of Deputy Director General (DDG) Panga as OIC director general (DG) is legal and valid”.

Ipinaliwanag din ni Pascual na ang pag-upo ni Panga bilang OIC ng Peza ay batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na upuan ng susunod sa ranggo ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno, opisina at bureau.

Kinumpirma naman ito ng DOJ at sinabing si Panga ay magpapatuloy sa kanyang tungkulin bilang OIC DG ng Peza hanggang Disyembre 31, 2022 o hanggang sa magkaroon ng kapalit.

Sa kabila nito, hinimok ni Pascual si Panga na magpasa ng written explanation sa mga reklamo ng pang-aabuso na inihain laban sa kanya ng mga empleyado ng Peza.

Nangako naman ito na magsasagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo.

“Now this matter of employees having complaints is coming to my attention only now. I have not had reports from the employees directly when these things are happening. Now that I’m aware of this, we will investigate and see how we can address the problems,” ani Pascual. RNT/JGC