Pangako ni PDU30: Lahat mababakunahan

Pangako ni PDU30: Lahat mababakunahan

July 6, 2021 @ 11:43 AM 1 year ago


MANILA, Philippines ā€“ “Walang maiiwan, walang iwanan.”

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry sa idinaos na Ceremonial Vaccination for A4 workers in Region III, sa Clark Civilaviation Complex, Clark Freeport Zone.

Aniya, habang may gobyerno ay darating ang bakuna kung saan ay hindi man ganoon kasing bilis na gusto ng bawat filipino na dumating ang bakuna dahil nag-aagawan pa rin ang mundo sa mga bakuna ay asahan na may darating na bakuna dahil na rin aniya sa natatapos na ang mga bansa ng Amerika at ng Europa ng sarili nilang mga vaccination ay paparami ng parami ang suplay ng bansa.

Kaya ang pakiusap ni Sec. Roque sa publiko ay konting tiyaga lang at lahat ng mga filipino ay magkakaroon ng bakuna.

“On behalf of President Rodrigo Roa Duterte, Iā€™d like to congratulate first and foremost lahat po ng mabakakunahan natin ngayon dahil with the decision to vaccinate, they have decided to protect themselves and to protect their loved ones,” ayon kay Sec.Roque.

Sa kabilang dako, labis namang nagtataka at hindi na rin maintindihan ni Sec. Roque kung bakit sa mga survey na kinukuha ng mga survey firms eh para bang hindi nababawasan ang hanay ng mga Pilipino na natatakot pa magpabakuna.

“Ikot po kasi ng ikot, naglalaunch ng mga ceremonial vaccination gaya nto, this is one of the first in an economic zone na talagang sinisimulan namin, ang nakikita ko naman eh kulang ang suplay at hindi nagkukulang ang gustong magpabakuna,” anito.

“i think this validates what an earlier SWS survey said na bagamat mataas nung una ang vaccinate hesitancy pag nakita nila ang kapitbahay nila na nagpapabakuna eh nawawala naman po ang hesitancy na yan which is good news kasi alam naman po natin na sa pandemiyang ito talaga ang solusyon ay nakasalalay lang po sa bakuna and that is why Iā€™m happy na unang una ang team ng ating NTF si Secretary Galvez, si Secretary duque, si Secreatry Vince have made it possible for us to ahev the vaccines. It may not be the vaccines that are preferred by the people pero nonetheless po kung hindi natin ginamit ang mga vaccines na ginagawa ng ating mga karatig bansa wala tayo ngayon sa 12 million vaccinated individuals,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Nagbigay linaw naman si Sec. Roque sa kung ano ba talaga ang polisiya ng gobyerno pagdating sa mga kompanya na nag-angkat ng bakuna na libre sa empleyado pero merong cost reimbursement para sa mga pamilya ng kanilang empleyado.

“Ang polisiya po ng gobyerno, unang una, basta inorder po yan para doon sa mga taong nag order at hindi makakarating sa ibang mga tao, hindi ibebenta sa ibang tao, at pangalawa reimbursement for cost po yan at walang profit, yan po ay pinapayagan ng ating gobyerno,” paliwanag ni Sec. Roque.

“At pangatlo po, ang pagaangkat ng mga bakuna ay sa pamamagitan pa rin po nung tripartite agreement sa panig ng DOH, ng NTF, at ng pribadong sektor. So malinaw po yan. Hindi po isyu yung cost sharing na sinisingil ng ilang mga kumpanya provided inorder talaga yan at hindi makakarating sa ibang tao,” aniya pa rin.

Kaya ngayon aniya sa symbolic vaccination sa Clark ay importante ang bakuna para mabuksan ang ekonomiya.

“Itong ating mga export processing industries naman po hindi sila nagsasarado maski ECQ, pero we owe it to them dahil ang foreign revenues na kinkita natin dahil sa kanilang sipag ay siyang ginagamit nating pambili ng ating mga pangangailangan, pangunahin na po ang langis,” anito.

“Syempre po dahil sila naman po ay mga bagong bayani dapat lang din naman mabigyan sila ng prayordiad pagdating sa bakuna,” giit ni Sec. Roque. Kris Jose