Pangakong 1 sakong bigas kada pamilya sa eleksyon tinupad ng Agusan mayor

Pangakong 1 sakong bigas kada pamilya sa eleksyon tinupad ng Agusan mayor

July 17, 2022 @ 3:16 PM 3 weeks ago


SAN FRANCISCO, Agusan del Sur—PINATUNAYAN ng isang alkalde na hindi totoo ang katagang “Pangakong napapako” dahil tinupad niya ang kanyang pangako sa nakalipas na eleksyon na namimigay siya ng tig isang sako ng bigas sa bawat pamilya sa bayang ito.

Ayon kay Carrascal, Surigao del Sur Mayor Vicente H. Pimentel III, sinimula niya nitong Huwebes na ipamahagi sa kanyang mga kababayan ang walong libong sako ng bigas.

Sinabi pa ni Pimentel III na ang pamamahagi ng mga bigas ay bahagi na rin ng paggunita taunang Pahinungod Festival nitong Hulyo July 14-15.

Aniya, lahat ng 8,000 pamilya sa 14 na barangay ay nabigyan ng bigas ng walang bahid ng pulitika.

Nilinaw naman ni Pimentel na ang P17 milyon halaga ng bigas na pinambili ay mula sa kaban ng bayan at hindi sa kanyang sariling bulsa.

Si Pimentel III, anak ng yumaong Governor Surigao del Sur Vicente Pimentel Jr., na nanalo sa ikatlo nitong termino noong Mayo 9, 2022 national elections./Mary Anne Sapico