Pangakong 1M housing units kada taon, tutuparin ni PBBM

Pangakong 1M housing units kada taon, tutuparin ni PBBM

December 21, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya para matupad ang kanyang pangako na magtayo ng 1 milyong low-cost housing units kada taon.

Ang pangakong ito ni Pangulong Marcos ay sinabi niya sa groundbreaking ng Palayan City Township Housing Project sa Nueva Ecija, nangako Ito na tutulungan ang mga “homeless” o walang tirahan at ang mga minimum wage earners na nangarap na magkaroon ng sariling bahay.

“I am glad that we are continuing. This is not the first groundbreaking that I have attended. I know that it will not be the last, and that we will continue to break ground in different parts around the countryĀ para naman ‘yung ating pinapangarap naĀ 1 million homes a year,” ang wika ng Pangulo.

“‘Pagka naabot natin, at least napakalaking bagay na ‘yan na nabigyan natin ng solusyon ang problema ng pabahay ng ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), at local government units (LGUs), para sa kanilang tungkulin na ipatupad ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

Kumpiyansa ang Pangulo na magiging matagumpay ang housing projects.

“All of these things have to come together. It is not a question.Ā Marami na tayongĀ experience,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I hope that weā€™ll continue at this rate,Ā at kailangan na kailangan nating gawin ito. This is one of the many actually that we are going to break ground and I hope soon.”

Buwan ng Nobyembre ngayong taon, nangako ang Pangulo na magtayo ng 1 milyong pabahay kada taon, bahagi ito ng pagsisikap ng administrasyon na tugunan ang housing backlog sa bansa.

Ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ay flagship housing project ng administrasyong Marcos na naglalayong magbigay sa 6 milyong Filipino beneficiaries ng “safe, affordable at comfortable homes.”

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng DHSUD at government financial institutions para pondohan ang housing projects ng departamento.

Sa oras na makompleto, ang community township sa Palayan City, Nueva Ecija ay magtatayo ng 44 towers na maaaring makapag-accommodate ng 11,000 housing units.

Magiging tampok naman sa housing project ang ilang amenities at infrastructures, kabilang na ang market area, livelihood center, health center at elementary school.

Inaasahan na makalilikha ng 1.7 milyong trabaho ang nasabing proyekto kada taon mula 2023 hanggang 2028.Ā Ā Kris Jose