Pangakong internet sa liblib na isla sa Mindanao, tinupad ni PBBM – DICT

Pangakong internet sa liblib na isla sa Mindanao, tinupad ni PBBM – DICT

October 12, 2022 @ 7:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – PROMISE fulfilled.

Ganyan kung ituring ng Department of Information, Communication and Technology (DICT) nang malagyan na ng internet connection ang isang malayong isla sa Mindanao.

Sa press briefing, sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy, ang pagkakaroon ng internet ng mga taga Sacol Island na isang malayo at liblib na isla sa Mindanao ay katuparan ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maiparating ang teknolohiya at ang internet connectivity.

Ayon sa Kalihim, ang naturang tagumpay ay base na rin sa naging direktiba ni Pangulong Marcos na simulan nang lagyan ng internet connection ang mga malalayong lugar sa bansa na hanggang ngayon ay wala pa ring internet.

Aniya, magiging tuloy-tuloy ang internet connectivity efforts ng gobyerno nang sa gayon ay mapunan na ang nalalabing 30% ng mga lugar sa bansa. Kris Jose