Pangakong ‘moratorium’ kay CBCP president Valles, hindi sinira ni Pangulong Duterte

Pangakong ‘moratorium’ kay CBCP president Valles, hindi sinira ni Pangulong Duterte

July 11, 2018 @ 11:18 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya sinira ang kanyang pangako kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles na “moratorium on statements” laban sa Simbahang Katolika.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya inaatake ang Simbahang Katolika kung may nasasabi man siya tungkol sa Diyos.

Ang ayaw lamang aniya niya ay gamitin ng isang indibiduwal o grupo ang kanilang relihiyon bilang format para batikusin siya at ang pamahalaan.

“I was not referring to any religion, kung makita mo wala akong binanggit na relihiyon. Kasi marami naman diyan, merong Christian evangelist, merong gusto akong kausapin, dahil diyan I cannot mention their name, but they wanted to see me,” aniya pa rin.

At kung hihilingin aniya sa kanya ng mga ito na dapat ay humingi siya ng dispensa o paumanhin ay malabo niyang ibigay ito.

“Matter of me asking forgiveness, forget it. As a matter of principle I will not. And I can burn in hell if it is true. Di ko man pinag usapan yung burn in hell, that’s my spontaneous… As a matter of principle I will not. I would rather lose the presidency, lose the honor, lose my life. That could not be more clear,” ayon kay Pangulong Duterte. (Kris Jose)

Photo courtesy: SAP Bong Go