Pangalan ng mga taong sangkot sa data breach sa Smartmatic, naisumite na – Sotto

Pangalan ng mga taong sangkot sa data breach sa Smartmatic, naisumite na – Sotto

April 3, 2022 @ 10:50 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naisumite na ng dating empleyado ng Smartmatic na iniuugnay sa umano’y data breach, ang mga pangalan ng mga taong pinaghihinalaang sangkot sa insidente.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nanumpa na rin ng affidavit ang naturang empleyado ng Smartmatic na ngayon ay iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala, noong nakaraang linggo, matatandaang sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na bagama’t kinumpirma ng Smartmatic na nagkaroon ng data leak, at hindi naman ito konektado sa gaganaping halalan sa Mayo.

Tiniyak din ng Comelec chief na hindi nila hahayaan ang sinuman na sirain ang tiwala ng mga tao sa electoral system.

Noong Marso 24, sinabi rin ng Comelec na pag-aaralan nito ang kontrata ng poll body sa Smartmatic kasunod ng ulat na security breach sa sistema ng kanilang service provider. RNT/ JCM