Pangalan ng nadiskubreng bagong uri ng ipis, hango sa Pokemon character

Pangalan ng nadiskubreng bagong uri ng ipis, hango sa Pokemon character

March 14, 2023 @ 11:34 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Natuklasan ang bagong uri ng ipis sa Singapore na kahawig umano at inihango ang pangalan sa karakter sa anime at video game series na Pokemon: Pheromosa.

Batay sa ulat nitong Lunes, unang namataan ang ipis sa forested nature reserve sa Singapore, na nadiskubre ng Singporean entomologist na si Foo Maoshen, katuwang ang Pinoy na si Christian Lucanas.

Sa pagkahilig umano sa Pokemon ng dalawang dalubhasa at pagkakatulad ng itusra ng ipis sa nabanggit na karakter, pinangalanan nila itong Nocticola pheromosa.

Ilang taon din umano ang itinagal ng kanilang pag-aaral tungkol sa nadiskubreng uri ng ipis. RNT/SA