Pangangailangan sa protection vs cyberattacks sa energy infra, idiniin ni PBBM

Pangangailangan sa protection vs cyberattacks sa energy infra, idiniin ni PBBM

March 13, 2023 @ 1:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyan-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na i-develop ang mga sistema na magbibigay proteksyon sa bansa mula sa anumang pag-atake sa cyberspace.

Ito’y matapos saksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng  National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa isang seremonya sa President’s Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

Sa ilalim ng kasunduan, ang  NGCP ay nakatakdang magbigay ng technical assistance sa  NICA pagdating sa energy-related security issues, na mas makapag-aambag sa mga gawain ng ahensiya sa cybersecurity.

“We are continuing to shore up our defenses when it comes to cybersecurity. And since NGCP is a critical part of our security, of our ability to continue to function as a society, then this is an important day because now we have made more robust the defenses against any possible attacks on our power systems, on any other of the elements in our everyday lives that require power; and for that matter, that require the exchange of secure information amongst ourselves in society,” ayon kay Pangulong Marcos   sa kanyang naging talumpati.

Binanggit naman ng Pangulo na  “there have been fears that the involvement of any foreign entity in our power transmission system would present a security threat to the Philippines.”

“Well, this is a very good step towards answering that challenge. It is but one step because we are continuing to do this not only with NGCP,”  ani Pangulong Marcos.

“But we are developing our cyber systems so that we are secure and so that the data that we need to collect and to disseminate is available to us, and we are able to do and handle that data in a secure fashion without the risk of it being used somehow against the Philippines,” dagdag na wika nito.

Ani Pangulong Marcos, titiyakin ng kanyang pamahalaan na malaya ang Pilipinas mula sa cyber threats sabay sabing nais din nitong pagaanin ang bigat na pasanin ng publiko laban sa security threats.

“It is a good signal to all of us who have concerns in this regard that we are doing many things to make sure that the Philippines remains secure, that the Philippines remains in accordance with international law, that the Philippines and its people can rest assured that their territory, their data, their personal information will not be used against us and that they can feel secure,” ayon sa Pangulo.

Samantala, pinasalamatan naman ng Pangulo si NGCP president Anthony Almeda para sa inisyatiba.

Binanggit nito na siya at si Almeda ay naging magkaklase subalit hindi nila nagawang tapusin ang special course sa ekonomics.

“So I thank, of course, Anthony – Anthony is known to me because we were classmates together. We were studying economics actually, Asia Pacific. But pareho kaming hindi nagtapos. But I know him well and I’m happy that he  has taken the lead in this,” ani Pangulong Marcos.

Ayon naman kay Almeda, isa aniya itong special diploma course in economics sa University of Asia at  Pacific. Kris Jose