Pangangalaga, proteksyon sa katutubo hiling ng solon sa pagdiriwang ng IPs month

Pangangalaga, proteksyon sa katutubo hiling ng solon sa pagdiriwang ng IPs month

October 30, 2020 @ 5:08 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Kinalampag ng Anak Mindanao ang gobyerno na pairalin ang paggalang at pagrespeto sa mga Pilipino katutubo lalo na sa pagpapanatili ng kanilang kultura, pagkakakilanlan at kasaysayan.

“More than realizing and recognizing the rights of Filipino IPs through inclusivity and participation, it is also important to respect and preserve their culture, history and identity,”sinabi ni Anak Mindanao (AMin) Partylist Rep. Amihilda Sangcopan.

Ang panawagan ng kongresista ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng bansa sa Indigenous People’s Month at ika-23 taong anibersaryo ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

Ipinanawagan din ni Sangcopan ang mas pinaigting na ugnayan ng mga katutubo at ng pamahalaan sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng proteksyon, pangangalaga at ayuda sa mga ito.

“The creation of IPRA 23 years ago today gave us the distinction as the first nation in Asia that recognizes the struggles and aspirations of our Indigenous Peoples. It was created as the legal backbone that guarantees the protection of our IPs rights and liberties,” ani Rep. Sangcopan.

Sa pagsusulong aniya ng kapakanan ng mga katutubo ay dapat mapanatili ang preserbasyon sa kultura at pagkakakilanlan na siyang patuloy na sinusuportahan ng Amin kagaya ng mga panukalang batas na tutugon sa kabutihan ng mga katutubong Pilipino.

Kasabay nito, nanawagan si Sangcopan sa mga kasamahang mambabatas na suportahan na maisulong hanggang sa maging ganap na batas ang inihain ng AMIn na House Bill 6999 na nagsusuong na mabigyan ng kahit na isang porciento ng Internal Revenues ng local government units para lamang sa mga katutubo.

Ito ay malaking tulong ayon sa mambabatas para sa mga katutubong nasa malalayong lugar sa bansa na higit na nangangailngan ng “to have access to basic needs and meaningful dialogue where the former can express their own priorities for developments affecting their rights and beliefs.”

Iba pang panukalang isinusulong ng Amin ay ang House Bill 6999 na pangunahing inakda ng partido, HB 1579 at HB 1580 na parehong nagsusulong ng pagbabawal sa racial, ethnic at religious discrimination gayundin ang proteksyon para sa “conservation and traditional arts in Mindanao and Sulu.”

“I am  will remain constantly encouraging  the government, both local and national, to listen and continue providing avenues where our IPs can  freely raise their concerns and be given equal and direct participation of how they can contribute, to the best of their knowledge, the preservation of their culture and way of life,”binigyang diin pa ni Sangcopan. (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •  

Loading...