Pangangalaga sa Kapaligiran pangunahin tungkulin ng DENR – Antiporda



Pangangalaga sa Kapaligiran pangunahin tungkulin ng DENR – Antiporda

June 10, 2021 @ 7:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda ang mga personnel at opisyal ng DENR na ang publiko ay nakadepende sa kanila hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran at patuloy na pagtatrabaho kahit pa may kinakaharap na pandemya.

Sa 34th Anniversary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi ni Antiporda na siya rin Undersecretary for Solid Waste Management (​SWM) and Local Government Units Concerns na patuloy ang pagsisilbi ng mga DENR personnel at mga opisyal nito para protektahan ang kalikasan  sa kabila ng pandemya.

“Magpatuloy lang tayo sa pagtatrabaho para protekhan ang kapaligiran at kalikasan sa kabila ng pandemya subalit kailangan din natin protektahan ang ating mga sarili” ayon kay Antiporda.

Sinabi pa ni Antiporda na isinusulong ng ahensya ang malinis at luntian environment para sa paggamit ng single plastic.

“We are advocating cleaner, greener environment for the single use of plastic,” ani Antiporda.

Iginiit din ni Antiporda na dapat mailinaw ang usapin hinggil sa single use plastic upang maipatupad ang wastong paggamit dito.

“Marami na rin kasing tatamaan dito sa single use plastic dapat maideklara na ang dapat ideklara sa paggamit nito” pagdidiin pa ni Antiporda.  (Santi Celario)


  •  
  •  
  •