Pangangasiwa sa oath-taking ni PBBM oks na kay CJ Gesmundo

Pangangasiwa sa oath-taking ni PBBM oks na kay CJ Gesmundo

June 28, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tinanggap na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang hiling na pangasiwaan ang panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Kinumpirma ito ni Supreme Court spokesman Atty. Brian Hosaka nitong Martes.

“I do confirm that Chief Justice Gesmundo has been requested to administer the oath of President-Elect Marcos on June 30, 2022,” pahayag ni Hosaka.

Isasagawa ang panunumpa ni Marcos sa National Museum, na dating kilala bilang Old Legislative Building, sa Huwebes. Ayon sa kanyang kampo, ito ay gagawing payak at tradisyonal. RNT/SA