PANGANIB SA PAGKAWALA NG PANGALAN SA PRANGKISA

PANGANIB SA PAGKAWALA NG PANGALAN SA PRANGKISA

December 16, 2022 @ 11:35 AM 2 months ago


 Ang prangkisa sa public transport ay ipinagkaloob ng gobyerno sa isang indibidwal bilang “privilege to do business as a public transport” kaya naman posibleng bawiin basta may “due process of law.”

Sa pagdinig ng Committee on Public Transportation ng House of Representatives tungkol sa pag-regulate ng motorcycle taxis ay halos lahat ng naimbitahan ay pabor na isabatas na ang pag-regulate ng motorcycle taxis.

Ang Lawyers for Commuter Safety and Protection ay pabor din bilang isa sa mga naunang grupo na nanindigan na gawing ligal ang motorcycle taxis app-based.

Sinabi ng LCSP, ang motorcycle taxi kahit na app-based ay dapat mapabilang na public utility vehicle dahil sa kasalukuyang batas RA 11659 – at isinaad dito kung ano ang mga public transport vehicles na tinuturing na public utilities.

Sa batas nakasaad:

Public utility vehicles refer to internal combustion engine vehicles that carry passengers and/ or domestic cargo for a fee, offering services to the public namely trucks for hire, UV Express service, public utility buses, public utility jeepneys, tricycles, filcabs and taxis.

Para din sa grupo, dapat kasama ang motorcycle taxis at motorcycle delivery bilang public transport / public utilities.

Pero, kung kanino dapat ipangalan ang prangkisa ay dapat na suriin sa RA 11659 at sa mga umiiral na Land Transportation Franchising and Regulatory Board memorandum circulars kaugnay sa consolidation ng mga prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Para sa LCSP, ang prangkisa ng motorcycle taxi ay dapat sa pangalan ng rider/ operator/ may-ari ng motor.

Halos lahat ng riders ay individual persons. Ang kumpanya naman na may-ari ng app-based platform ay accreditation ang ibigay bilang Motorcycle Taxi Companies na iba sa Transport Network Companies ng TNVS.

Iayos dapat ng Kongreso ang batas dahil sa RA 11659 ay tila nawala na ang individual franchise holders.
Sa dating batas, malinaw kung sino ang maaring bigyan ng prangkisa- citizens of the Philippines o korporasyon, co-partnerships, associations, or joint stocks companies duly constituted under Philippine Laws. Sa RA 11659 ay nawala ang ‘citizens of the Philippines’.

Bakit? Dahil ba isinusulong ng Department of Transportation ang programa na dapat mag-consolidate ang mga franchise holders sa associations cooperatives o corporations? ‘Pag ganito, tuluyan nang mawawala ang individual franchise holders. Paano na lang ang motorcycle taxi riders?

Sa pangkalahatan naman sa public transport, sana masuri muli ang mga probisyon sa RA 11659 ukol sa prangkisa.
oOo oOo oOo

Atty. Ariel Inton
President – Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748