PANGASINAN VICE MAYOR NINONG NG DRUGLORD

PANGASINAN VICE MAYOR NINONG NG DRUGLORD

August 4, 2018 @ 5:35 PM 4 years ago


Tila mas lalong lumalalim ang pagdududa ng Philippine National Police sa panibagong nadiskubre nila sa relasyon ni Pangasinan City Vice-Mayor at isang tinaguriang high value target na tulak ng tobats sa lalawigan.

Ang pagdududa ng awtoridad ng PNP kay vice-mayor ay lalong tumindi nang gawin siyang “NINONG” sa kasal ng sinasabing HVT matapos ang lantarang pakikipagmabutihan niya sa nasa­bing drug suspect.

Mantakin ninyo, nagulat mismo ang bagong chief of police ng nasa­bing lungsod sa nadiskub­reng pagtayong “ninong” ni vice mayor sa kasal ng  markadong HVT sa pagtutulak ng iligal na droga.

Sa nakalap na report natin, marami raw inimbitahang piling bisita (‘yun bang may mga sinasabi)  si HVT sa kanyang kasal.

Halos lahat ng kinuha niyang principal sponsor ay ‘yung mga local official ng lalawigan pero lahat ay tinanggihan siya. Huhuhuhu.

Bakit, eh, sino ba naman ang papayag na ma­ging “ninong” ng isang druglord na kabilang sa  druglist ng mga kapulisan? Mahirap na yatang  madamay pa.

Biruin ninyo, maging ilang kongresista ay ginawang sponsors sa ka­sal. Pero ang balita ko, ni isa sa mga ito ay walang sumipot dahil takot na ma­dikit sa pangalan ng HVT  sa rasong baka mapabilang sila sa listahan ng mga narco-politician ni Pang. Rodrigo Duterte.

Take note, ibang klase si VM. Kakaiba ang style dahil kabaligtaran sa mga local official na tumanggi sa alok ni druglord na gawin silang mga “ninong” sa kasal.

Taas-noo pa nga raw si VM at buong pagma­mayabang pang dumalo sa kasalan at magbabad sa buong okasyon. Eh paano ba naman hindi magkakaganyan si vice-mayor, eh, bago pa man ang kasalan ay lumulutang na raw ang pa­ngalan niya na protektor ni HVT.

Kaya naman itong si hepe ay nag-utos na sa kanyang mga tauhan na bantayan ang galaw ng dalawang ito.

May balita pa ang PNP na alam mismo ni VM na ang kanyang tinatayuang principal sponsor o ninong sa kasal ay isang  high value target na nasa druglist ng PNP.

Kaya ‘no doubt’, baka pati si bise ay nagbebenta na rin ng illegal drugs.

Marami na palang kinasasangkutan na mabi­bigat na kaso itong si drug suspect ngunit nakapagpipiyansa lang kaya siya nakalalayang pasamantala sa tulong na rin ng kanyang ninong na vice mayor.

VK FRONT NG ILLEGAL NA DROGA

Isang alias Nely ang bago na ngayong nagmamay-ari ng sangkaterbang video-karera sa Batangas City at front pala ito ng pagpapalawak ng droga.

Ang balita mismo, may mga pulis sa nasabing ba­yan ang hinihinalang protektor ng VK at tobats na ibinebenta ni alias Nely sa mga parokyano nito sa kanyang mga makina.

Anomang puna o reklamo y i-text sa 0918927­4764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o juandesa­[email protected]JUAN DE SABOG NI JOHNNY MAGALONA