PANGGIGIPIT SA MAYOR PATULOY

PANGGIGIPIT SA MAYOR PATULOY

April 9, 2022 @ 12:05 PM 3 months ago


HINDI na tuluyang mawala sa eksena ng halalan sa bansa ang gipitan o mga political harassment tuwing isinasagawa ang botohan.

Halimbawa, normal na lang kay Balud Mayor RJ Lim ang maru-ming uri ng pamumulitika na ginagawa ng kanyang mga kalaban dito mula nang kumalas siya sa kasalukuyang administrasyon ng Masbate.

Kagaya nitong naganap na panlilimas ng halos 20 banyerang isda na ginawa ng ilang armadong kalalakihan sa bangka ni Jojo Aribal, isang pobreng mangingisda sa Isla ng Jintotolo at masugid na suporter at lider ni Mayor Lim.

Tinamaan ng lintek ang mga piratang ito na halos inubos ang isda ni Jojo na naganap habang isinasagawa ang piyesta rito kamakailan.

Sa halip na matakot si Jojo at ang mga katulad niyang mangingisdang patuloy na naniniwala sa liderato ni Mayor RJ at ng kanyang asawang si Lei na papalit sa kanya bilang Alkalde, pansamantalang hindi na muna sila maghahanapbuhay sa karagatan upang samahan ang pamilyang ito sa kampanya at isiwalat sa mga taga-Balud ang hindi makataong ginagawa ng ilang naghaharing-uri ng politiko rito.

Tangna kayong mga animal, hindi naman lumalantad at lumalaban nang sabayan ang mga amuyong niyo sa otoridad at ‘yung mga inosenteng taga-suporta ng pamilya ng Lim ang kaya ninyong takuting hindi rin naman tumatayo ang kanilang balahibo sa inyong pagmamalabis.

Isipin niyo naman na dalawang beses nang nasuspinde si Mayor RJ dahil sa walang kwentang mga kasong isinampa ng kanyang saksakan sa inggit na mga kalaban subalit sa halip na umatras ang suppor-ters nito ay mas lalo pang nadagdagan at dumarami ang nagmamahal sa kanyang batid ng mga tagarito na ang itinuturing na servant leader pa rin ang patuloy na magtutuldok sa mga suliranin at magbibigay ng pag-asa sa kinabukasan ng mga Baludenyos.

Kunsabagay, may hangganan din ang mga political harassment na ito bunsod sa hindi pahihintulutan ng taumbayan na maghari magpakai-lanman ang mga politikong may maiitim ang budhing puro pang-aabuso sa poder na lang ang ginagawa.

THERE IS NO SUCH THING AS ABSOLUTE AUTHORITY FOR POWER HUNGRY POLITICIANS IN A LONGEST POSSIBLE TIME!

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]