PANGHAHARABAS NG TULISANG PULIS SA MGA PASUGALAN

PANGHAHARABAS NG TULISANG PULIS SA MGA PASUGALAN

July 12, 2021 @ 2:25 PM 1 year ago


ALAM ba ninyo, mga tol, na patuloy ang panghaharabas sa mga iligal na pasugalan ang mga pulis ng Manila Police District matapos na luwagan ang quarantine restriction sa buong National Capital Region?

Walang habas ang pangongotong nitong mga nagpapakilalang taga-pangolekta ng linggguhang intelihensiya sa mga iligal na pasugalan, vendor at iba pa ni MPD District Director P/BGen. Leo Francisco.

Isang pulis na alyas Sgt. Totoy Lupa ang umano’y nagpapakilalang engkargado ni Gen. Francisco sa pangongotong sa iba’t ibang iligal na pasugalan gaya ng bookies ng karera, Online Sabong, bookies ng STL, lotteng,137 at mga vendor.

Ang matindi pa rito kay Sgt. Totoy Lupa, ayon sa mga Gambling Operator, bukod sa lingguhang intelihensiya na ibinibigay nila kay Sgt. Totoy Lupa, humiingi pa raw ito ng partikular na intelihensiya para sa kanya bukod pa  sa ibinibigay ng mga GL kay DD.

Ang tindi po ng engkargadong nitong si DD Francisco, ‘di po ba?

Huwag ka pa, bago raw magpalatag ng sugal sa mga GL  si Sgt. Totoy Lupa, hihingian muna niya ng advance ang mga ito para sa kanilang linggo-linggong kinukuhang intelihensiya.

Ang masakit pa rito, linggo-linggo raw kung humihirit itong si Sgt. Totoy Lupa sa mga GL na animoy may patagong pera bukod pa sa parating “hirit” nito na may okasyon daw si DD kaya kailangan ang panggastos.

Halos umiiyak na ang mga GL sa walang humpay na pangongotong nitong si Sgt. Totoy Lupa.

Aba’y Gen. Francisco, alam ba ninyo itong ginagawa ng tauhan mong (hindi ko lang alam kung binigyan mo nga ng awtorisasyon) si Sgt. Totoy Lupa?

 Aba maghunos dili naman kayo, Heneral Francisco…kung totoo ito.

UNTOUCHABLE KAY COL

Muli tayong pumunta sa lalawigan ng Cavite at ating silipin ang patuloy na pagkunsinte ni Cavite Provincial Director P/Col. Marlon Santos sa mga bookies ng STL nina dating retired police na si Osias, Kap. Randy ng Bacoor at Zaldy ng Cavite City.

Abay ilang beses na nating binanatan ang mga ito pero nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi kumikilos si Col. Santos. Bakkitttt kaya?

Hindi ko po sinasabing nakatatanggap ng lingguhang intelihensiya si Col. Santos sa mga operator na ‘yan kaya hindi sila ipinahuhuli, maging ang 137 at bookies ng STL ni John Yap na namamayagpag.