Panghaharass sa mga mangingisdang pinoy, iniimbestigahan na ng China

Panghaharass sa mga mangingisdang pinoy, iniimbestigahan na ng China

June 12, 2018 @ 1:14 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na mananagot ang mga sangkot sa pangha-harass sa mga  mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea.

Sa naging pahayag nito sa Independence Day Celebration kanina sa Kawit, Cavite, sinabi nito na nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang Chinese Government sa insidente.

Paliwanag nito, bawat organisasyon talaga ay mayoong bulok na mansanas na dapat itapon.

Nagbiro pa ang ambassador na ipapatapon sa West Philippine Sea ang mga Chinese coastguard na mapatutunayang nagkasala.

Pinawi rin ni Ambassador Zhao ang pangamba ng mga mangingisdang Pinoy at sinabing mananatili ang kasunduan ng Pilipinas at China.

Idinepensa rin ni Zhao na hindi talaga pinapayagan ng Chinese Coastguard ang mga malalaking fishing vessel sa Scarborough shoal dahil mayroon din  silang responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan sa scarborough shoal. (Remate News Team)