Panghihimasok ng ICC sa internal affairs ng PH sa drug war, tablado kay Bato

Panghihimasok ng ICC sa internal affairs ng PH sa drug war, tablado kay Bato

September 28, 2022 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy na tinatabla ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war dahil lantarang panghihimasok ito sa internal affairs ng Pilipinas.

Sa press conference, sinabi ni Dela Rosa na anuman ang gawin ng ICC, walang maisasakatuparang imbestigasyon sa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa drug war, na nagresulta ng libu-libong biktima sa sinasabing extra judicial killings (EJK).

Pinamumunuan ni Dela Rosa ang Philippine National Police nang simulant ng Duterte administration ang drug war.

Ikinatuwiran ni Dela Rosa ang posisyon ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr., sa hindi nito paglahok sa ICC.

“Kung pupunta sila dito bilang turista, puwede, pero kung manghihimasok sila sa ating soberenya, ibang usapan na iyon,” giit ni Dela Rosa.

Sakaling manghimahok ang ICC sa internal affairs ng Pilipinas, sinabi ni Dela Rosa na ipinauubaya nya ito sa pamahalaan upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon sa illegal na panghihimasok sa internal affairs ng bansa.

Aniya, maliwanag ang posisyon ng pamahalaan hinggil sa naturang usapin kaya’t hidni dapat ipagpilitin ang kahilingan ng ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa drug war.

Iginiit pa ng senador na tumatakbo ang sistema ng katarungan at korte sa bansa kaya wala itong nakikitang dahilan upang manghimaosk ang dayuhan. Ernie Reyes