PANGINGISDA SA CATANDUANES, BUWIS-BUHAY

PANGINGISDA SA CATANDUANES, BUWIS-BUHAY

December 30, 2022 @ 12:05 PM 1 month ago


HINDI sukat akalain ni Mayce Gaboya,live-in partner ni Willy Ralf Uchi, isa sa nawawalang mangingisda sa bayan ng Viga,Catanduanes , na ‘yung Disyembre 21 ay ang huli nilang pagkikita bunsod sa maaliwalas at kalmado ang karagatan noon bago pumalaot ito kasama ang tatlo pa mula sa kanyang lugar.

Batay sa salaysay ng mga kaanak ng apat na mangingisda, pumalaot pa rin sila sa kabila ng ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration na may low pressure sa bahagi ng Mindanao noong araw na ‘yun upang may panghanda sa kapaskuhan at bagong taon.

Naging ordinaryong araw na lang sa mga mangingisda ng Catanduanes na kapag mainit at kahit na maalon ay tuloy ang kanilang pakikipagsapalaran sa karagatan ng Pasipiko na itinuturing na kasing laki ng mga gusali ang alon lalo na kapag may sama ng panahong bihirang lumilinaw dito noon pa man.

Ang karagatang ito ang kinatatakutan ng mga naglalayag noon pa mang marami nang lumubog na mga galleon ng Kastilang kadalasan ay dinaanan nila noong panahon ng pananakop sa bansa.

Dito rin nakikipagbuno sa malalaking alon ang mangingisda mula sa mga bayan ng Catanduanes bunsod sa tinagurian itong “Tuna Highway” kung saan sagana sa yellow fin tuna,tulingan at iba pang mamahaling isdang pamimingwit at panlalambat sa karagatan na karaniwang ikinabubuhay nila.

Madalas, dalawa hanggang apat katao lang ang kanilang ginagamit sa bangkang dalawang 10 o kaya 16 horse power na makina ang nagpapatakbo nitong kung susuriin ay madaling lumubog kapag maka-engkuwentro ng malalaking alon dulot ng sama ng panahon.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng DSWD sa pamamagitan ng Listahanan 3,pang-anim na sa pinakamahirap na probinsya sa Bicol ang Catanduanes sa kabila ng pangingisda at paghahabi ng Abaca ang kabuhayan ng karamihan sa tagarito.

Bagaman mapanganib subalit ang pangingisdang itinuturing na buwis-buhay sa mga tagarito ang pinaniniwalaang malaking tulong upang maitawid ang pamilya ng mga mangingisda sa pang araw-araw na gastusing ugat din ng unti-unting pag-angat ng lalawigan mula sa kahirapan.

Anomang puna o reaksyon itex sa 09999388537/email [email protected]