Pangolin nareskyu sa Muntinlupa

Pangolin nareskyu sa Muntinlupa

August 21, 2021 @ 10:17 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nareskyu ang isang endangered pangolin sa Barangay Ayala Alabang, Muntinlupa City, batay sa ulat.

 “Nung kinakausap ko siyang ganyan, hello, hello, ‘yun nag uncurl siya tapos tinitignan niya kami,” lahad ni environmentalist Anna Varona.

“They are very docile, pag natakot ‘yan, they’ll just curl up in a ball.”

Sinabing humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay.

 “There was a commotion, dogs are barking and they saw an odd-looking animal. They didn’t know what kind it was. So they called the security and security came over and caught the animal,” kwento ni security coordinator Antonio Lazo.

Aniya, ang pangolin na pinanalanang Pandi ay nasa mabuting kondisyon na.

 “Pandi was very healthy. He’s actually probably the biggest Pangolin that was ever rescued by DENR-BNB. Smooth pa siya tapos wala pa siyang mucus sa ilong.”

“Kasi kapag nagkaka mucus sa ilong ibig sabihin noon para bang humihina ‘yung resistensya nila sa surroundings nila. Most likely, kararating lang niya dito sa Maynila, kasi mayroon pang laman ‘yung tyan niya nung in-x-ray siya,” dagdag pa nito.

May bigat na 4.9 kilo ang nahuling Pangolin. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •