Pangulo ng homeowners association, pinagsasaksak; Suspek kinuyog!

Pangulo ng homeowners association, pinagsasaksak; Suspek kinuyog!

July 20, 2022 @ 2:41 PM 4 weeks ago


BULACAN – Sugatan ang Home Owners Association president matapos umawat at pagsasakin ng residenteng nagwawala sa kanilang subdibisyon sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Jonard Borbe, 38-anyos at isang OFW habang ang biktima ay si Alvin Galisanao, 50-anyos, kapwa sila residente ng Barangay Kaypian.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente alas 10:15 kagabi, Hulyo 19 sa PNWC subdivision.

Ayon sa report at sa salaysay ng mga saksi, galit na galit na nagwawala ang suspek sa basketball court sa kanilang subdibisyon.

At bilang pangulo ng subdibisyon, pinakalma niGalisanao ang suspek na umalis naman sa lugar.

Pero ilang saglit lang ay bumalik ang suspek sa lugar na muling nanggulo kaya inawat muli ng biktima subalit bumunot ito ng kutsilyo.

Walang kaabog-abog sinaksak nito ng biktima ng dalawang beses sa ulo at kaliwang kili-kili.

Dinala ang biktima sa Grace General Hospital para sa paunang lunas habang binugbog naman ang suspek ng mga residente sa lugar.

Naawat ang pambubugbog nang dumating ang mga tanod na tuluyang umaresto sa suspek na dinala rin sa ospital at sumuko sa pulisya kalaunan

Nahaharap ang suspek sa kasong frustrated murder. Dick Mirasol III