Pangulong Digong at JIL Bro. Eddie Villanueva, nag-usap sa Malakanyang

Pangulong Digong at JIL Bro. Eddie Villanueva, nag-usap sa Malakanyang

July 11, 2018 @ 8:56 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagkaharap at masinsinang nag-usap sina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Jesus Is Lord (JIL) founder Bro. Eddie Villanueva kagabi sa Palasyo ng Malakanyang.

Kasama sa private meeting si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Atty. Angelino Villanueva.

Sa nasabing pulong ipinaliwanag ni Pangulong Duterte kay Villanueva ang kanyang saloobin kaugnay sa sarili nitong interpretasyon sa pagkakakilala nito sa Diyos.

Pinakinggan naman ni Villanueva ang paliwanag ng Pangulo at bilang respeto sa lider ng bansa.

Pagkatapos ng balitaktakan ng dalawang lider nagpaunlak naman ang Pangulo na ipanalangin siya ni Villanueva bago sila tuluyang maghiwalay.

Photo credit: PCOO Asec. Bam Garcia

Matatandaang hayagang sinabi ni Villanueva sa isang panayam na nilabag ng Pangulong Duterte ang Saligang Batas matapos ang kontrobersyal na Stupid God statement ng Chief Executive.

Noong Lunes, inanyayahan din ng Pangulo sa Malakanyang si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Romulo Valles sa isang pribadong dayalogo.

Nagkasundo ang dalawa na huwag gamitin ng simbahan ang pulpito para batikusin nag pamahalan habang ititigil naman umano ng pangulo ang pag-atake laban sa kaparian at Simbahang katolika. (Kris Jose)

Photo credit: PCOO Asec. Bam Garcia